“Ngayong araw na ito, ako ay Pilipino.”
“Hindi ako sumasang-ayon o tumututol, nais ko lang ipahayag ang aking saloobin. Natatakot akong dumating muli ang panahong sila lang ang maririnig, na nawala na ang ating karapatang ████████████████████
[ᴄᴏᴍᴍᴇɴᴛ ʙʟᴏᴄᴋᴇᴅ] (ʀᴀ ɴᴏ. 10175).”
Nakakatakot,
Hindi dahil sa maari kang makulong
Nakakatakot,
Kailangang magsalita ng pabulong
Matagal ka naming inasam
Matagal ding ipinaglaban
Darating bang ika’y hiram?
At muli, ang katahimikan?
Maririnig lamang ay sila
Baka maulit muli ang dati
Magingat sa bawat salita
Sila lang ang may alam ng tama at mali.
Kung si Dr. Jose Rizal ngang patay
Ay di nanahimik
Ako pa kayang buhay?
Hindi ba iimik?
Maaring tayo’y minumulto
Ng wikang natatakot
Takot sa pagbabagong
Tayo rin ba ang nagdulot?
At ngayon sasabihin ko
Na ang takot ay bakas,
Pati ba ang totoo
Bawal ng sabihin bukas?
Mula sa takot na pilipinong natatakot sa maaring mgyaring nakakatakot pa sa dp ko.
PS.
Lahat ng nakatala sa pahinang ito ay mula sa akin. Nagpapaliwanag lang, baka kasuhan akong kumuha ng pagmamay-ari ng iba. 🙂
Tagalog yan, para maintindihan mo. -the mistress =))
oyyyhaaaa, baka makulong ako sa pagsulat ng isang tula. oyyhaaa HAHA
Isang pagbati ng magandang araw, (maganda nga ba?)
dafhyoung